Press Release

Published in this page are articles and news releases sent to ST eXposure by other cause oriented groups

______________________________

Lakbayan Day 3: Mga mamamayan kinalampag ang mga Cojuangco at Yulo,  Kinundena ang mga naPASOng pangako ni P-Noy

Magiting na ipinagpapatuloy ng mga magsasaka at daan-daan pang mga tagasuporta ang ikatlong araw ng Lakbayan para sa lupa at hustisya. Ngayong araw kinalampag nila ang mga tanggapan ng mga kapitalista’t panginoong may lupang Cojuangco at Yulo sa Makati. (Read More)

______________________________

Lakbayan ng Magsasaka para sa Lupa at Hustisya Laban sa Hacienderong Rehimen ni Aquino (Day 2)

Ipinahayag ng mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan na hindi hadlang ang bagsik ng bagyong Juan sa kanilang pagpapatuloy ng martsa-protesta na binansagang Lakbayan ng Magsasaka Para sa Lupa at Hustisya, Laban sa Hacienderong Rehimen ni Aquino. (Read More)

______________________________

Sa kabila ng banta ng super-bagyong Juan, Lakbayan ng magsasaka inilunsad!

STA.ROSA, LAGUNA –Sa kabila ng bantang pananalanta ng bagyong Juan, magiting at walangalinlangang nagmartsa ang humigit-kumulang isang libong mga magsasaka upang simulan ang apat na araw na kilos-protesta patungong Mediola na tinaguriang “Lakbayan ng Magsasaka Laban sa Hacienderong Rehimen ni Noynoy Aquino.“ (Read More)

______________________________

Menor de Edad na Biktima ng CAFGU Recruitment, Pambubugbog at Pagbabanta ng mga Sundalo sa Batangas, Nag-Breakdown

Lungsod ng Maynila— Kasalukuyang nasa Kamaynilaan at kasama sa pagharap ngayong araw ng mga pamilya ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao kay Department of Justice Secretary Leila de Lima ang mag-inang Anna at Noel Baez, upang ipanawagan ang paghingi ng katarungan sa malupit na dinanas ng mga ito sa kamay ng mga sundalo sa kanilang lugar. Si Noel, 17 taong gulang, ay sapilitang nire-rekluta upang maging CAFGU ng mga kagawad ng 740th Combat Group Philippine Air Force na pinamumunuan ni Lt. Col. Arnel Villareal, katuwang ang 59th Infantry Battallion ng Philippine Army. (Read More)

______________________________

Panibagong kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng gubyernong Aquino:
3 lider magsasaka sa Laguna iligal na dinampot ng mga militar

Tatlong lider magsasaka ang dinampot ng mga militar sa probinsya ng Laguna kaninang umaga lamang. Ayon sa militanteng grupong magsasaka na KASAMA-TK, karagdagan na naman ito sa dumadaming kaso ng gubyernong Aquino laban sa hanay ng mga magsasaka matapos ang sunod-sunod na insidente ng extrajudicial killing (EJK) at mga iligal na pang-aaresto kamakailan lamang. (More)

______________________________

Countdown sa ika-100 Araw ni Aquino:

Galit na mga magsasaka, binato ng kamatis ang’ Presidential Seal’

( Quezon City ) Pinaratangang maka-haciendero at tuta ng Kano ng mga magsasaka si Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino habang binabato nila ng bulok-na-kamatis ang selyo ng ‘Republika ng Pilipinas’ sa harapan ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City.

(Read More)

______________________________

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: