Pagbasura sa kontraktwalisasyon at neoliberal na polisiya, patuloy na daing ng mga manggagawa; welga sa rehiyon, sunud-sunod na ipuputok

Ni Aiza C. Pineda

13094249_1060083804051573_9033988081220590926_n (1)

Hindi isang simpleng araw para sa mga manggagawa ang Labor Day. Mula sa iba’t-ibang lugar, nagtipon-tipon sa Calamba Laguna ang mahigit limang-daang manggagawa para iparating ang kanilang nais sabihin sa gobyerno: Gawing regular ang mga manggagawa at itigil ang kontraktwalisasyon dulot ng sabwatan ng gubyernong Aquino, DOLE, at kapitalistang kumpanya.

“Karamihan sa mga manggagawa sa Pilipinas, hindi ginagawang regular kahit na matagal na sa serbisyo. Nararapat lang na wakasan na ang kontraktwalisasyon at ibigay ng gobyerno ang nararapat nilang sweldo kapalit ng maayos nilang pagtatrabaho,” ayon kay June Velasco, 38, manggagawa sa Nestle sa Cabuyao, Laguna.

Dagdag ni Velasco, imbis na tumaas ang kanilang sweldo ay lalo lamang itong bumababa kahit na maayos at matagal na silang nagtatrabaho kaya sila nag-aalsa. “Kung meron bang pantay-pantay na karapatan, meron bang pag-aalsa? Wala. Kung pantay-pantay lang sana ang karapatan”.

13151682_1060084170718203_8761656681343775263_n

13076961_1060086560717964_917164765634677281_n

Ayon naman kay Allan Bagas, Secretary General ng PAMANTIK-KMU, ang mga neoliberal na polisiya ni Aquino ang siyang nagmasaker o pumapatay sa mga manggagawa at sa masang Pilipino. “Hindi hahayaan ng mamamayan na tumakas lamang siya sa mga kasalanan niya matapos ang kanyang termino. Kailangan niya itong pagbayaran dahil tuluy-tuloy pa rin ang paghihirap ng mga manggagawa dulot ng kontraktwalisasyon,” dagdag ni Bagas.

Nitong ika-4 ng Mayo lang, pumutok ang welga ng mga manggagawang kontraktwal sa Manila Cordage Company (MCC) at Manco Synthetics Incorporated (MSI) sa Carmelray Industrial Park I sa Canlubang, Laguna. Halos sampung taon nang kontraktwal ang mga manggagawa sa MCC at MSI.  Panawagan ng mga manggagawa na itigil na ang kontraktwalisasyon, gawing regular ang ilang taon ng mga kontraktwal at pagkilala sa itinayong unyon.

Kasabay ng ipinutok na welga sa MCC at MSI ay ang pagkapanalo ng “yes to strike” sa naganap na strike voting  sa kalapit na pabrika  ng Ebara Benguet Incorporated,  isang pagawaan ng steel pump. Ayon sa PAMANTIK-KMU, inaasahan na ipuputok rin ang welga dito sa mga susunod na araw.

13177595_804213073042788_5015822207476639117_n

13151499_803705819760180_442743654017442550_n

“Lakas paggawa lamang ang puhunan ng mga manggagawa, kaya marapat lamang na makatamasa ng disenteng sahod, benepisyo at kasiguraduhan sa trabaho,” saad ni Claire na dating manggagawa sa Tanduay. “Pinapatunayan lang ng Mayo Uno at ng mga welga sa rehiyon ang lakas at pagkakaisa ng mga manggagawa upang isulong ang mga lehitimong kahilingan hindi lang ng proletaryado, kung hindi ng buong sambayanan.” ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: