Eden & Eddie 10th Death Anniversary

22 Abril 2013| Department of Justice| “Inutil si Aquino sa pagpapanagot kay Palparan” – pamilya nina Marcellana at Gumanoy Isang dekadang paniningil ng hustisya at kawalan ng katarungan Manila, Philippines – Naglunsad ang Karapatan-Southern Tagalog (Karapatan-ST) ng isang kilos-protesta sa harapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong 9 ng umaga upang maningil ng hustisya sa isang dekadang kawalan ng hustisya sa pampulitikang pamamaslang kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy. Si Eden Marcellana ay Secretary-General ng Karapatan-ST at si Eddie Gumanoy naman ay Tagapangulo ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) bago sila dinukot noong April 21, 2003 at natagpuang patay kinabukasan. Ang naganap na pamamaslang ay pinamunuan ni dating Gen. Jovito Palparan, Jr. sa isang fact-finding mission na inilunsad sa Mindoro noong 2003. Si Danna Marcellana, 17, ay luhaang kinakaharap ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina, “Isang dekada na akong naghahanap ng kalinga ng aking ina at sa bawat anibersaryo ng pagkamatay niya. Napakahirap sa amin, lalo na noong ako’y pitong gulang pa lamang na tanggapin ang katotohanang pinaslang ang aking ina, kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa paghanap ng hustisya at katarungan sa aking ina.” “Isang dekada na ang nakalipas subalit wala pa ring katarungang nakakamit ang aming pamilya,” dagdag ni Orly Marcellana, asawa ni Eden Marcellana at tagapagsalita ng Kasama-TK. “Ipinangako ni Noynoy Aquino ang hustisya sa mga pamilya ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao at pagpapakulong kina Gloria Arroyo at Jovito Palparan ngunit makalipas ng isang dekada at tatlong taon sa termino ni Aquino ay wala pa ring nagagawa.” “Hindi na dapat magtaka pa si Aquino kung bakit parami nang parami ang bilang ng mga nag-aalsa sa ilalim ng kanyang pamumuno,” pagpapaliwanag ni Danna, “dahil hanggang ngayon, tulad ng aming pamilya ay wala pa ring hustisyang nakakamit sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.” Pagtatapos ni Orly, “Lalo’t hindi ninyo masisisi kung bakit kami ay umaasa na lamang na ang makakapagbigay ng hustisya sa aming pamilya ay ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) dahil hanggang ngayon, nagpapanatili ang pagkainutil ni Aquino sa pagtugon sa daing ng mga pamilya ng mga biktima sa paglabag sa karapatang pantao.”#

 

Photos by KL Tendero

400693_465870243483689_2066335720_n 17328_465872960150084_674519824_n 298069_465871230150257_1196801739_n

923344_465872720150108_1177123584_n 164969_465872543483459_775815089_n 551346_465871346816912_2143918437_n 60568_465870306817016_1809535616_n 379931_465868560150524_274906558_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: