D E K A D A

914085_465831266820920_845814836_o

DEKADA

Ni Pastor Dominador Verbo Jr

Ka Eden at Ka Eddie 10th Death Anniversary

17 April 2013 [Baclaran] —Ang paggunita sa ikasampung-taong anibersaryo ng pagkapaslang kina Ka Eden Marcellana at Ka Eddie Gumanoy ay pinasimulan ngayong ika-17 ng Abril, 2013 sa pamamagitan ng Exhibit sa Baclaran, sa harap ng simbahan. Sila Ka Eden at Ka Eddie, pawang mga volunteer human rights workers at aktibista sa Timog Katagalugan ay dinukot ng mga berdugong militar noong Abril 21, 2003 sa Naujan, Mindoro Oriental. Kinabukasan, Abril 22, 2003, sila Ka Eden at Ka Eddie ay natagpuang patay sa bayan ng Bansud. Ang masakit pa nito ay ang pag-torture ng mga dumukot  sa kanila. Patunay dito ang mga pasa sa kanilang bugbog na katawan, may tama ng bala at wasak ang kanilang mukha.

Napakasakit isipin para sa mga kaanak ng mga biktima na pagkalipas ng isang dekada o sampung taon ay wala pa rin silang nakamit na hustisya. Hindi pa rin napaparusahan ang may gawa ng pagpatay sa kanila, si Gen. Jovito Palparan at ang kanyang mga kahanay. Patunay ito na mabagal ang paggawad ng hustisya sa ating mga kapatid na biktima ng paglabag sa karapatang pantao pero sa mga may-kaya, may pera, at may kapangyarihan, mabilis lamang nilang makamit ang hustisya kahit sa kabila nito ay sila pa nga ang violators ng human rights.

Sa exhibit na ito ay makikita ang mga litrato nila Ka Eddie at Ka Eden na nagsasalarawan ng kanilang mga ginawa bilang mga volunteer human rights workers at pagiging lider aktibista na nakipaglaban para sa mga karapatang pantao ng mga naaapi at pinagkaitan ng hustisya. Hindi sila natakot na humarap sa mga taong lumabag sa karapatang pantao. Makikita rin sa exhibit na ito ang mga naipong pahina ng mga pahayagan ng nagbalita mula sa pagdukot sa kanila, ang pag-unsad ng kanilang kaso at progreso ng pagkamit ng hustisya para sa kanila.

Ang exhibit na ito ay naglalayong ibahagi ang pangyayaring pagpaslang at magsilbing paalala sa ating mga kababayan na mayroon tayong mga kapatid at kasama na nalabag ang kanilang mga karapatan at patuloy na biktima ng huwad at baluktot na hustisya sa ating bansa. Kalakip sa exhibit na ito ay ang pamimigay ng mga polyetos na naglalaman tungkol sa pagpaslang at iba pang mababasa ukol sa dalawang martir. Marami ang dumalo sa nasabing aktibidad. May mga nagtanong at nag-usisa na rin upang lalong malaman ang totoong pangyayari. Wala rin sawang nagkuwento ang iba sa ating mga kasamahan lalo’t higit kay Ka Orly, ang asawa ni Ka Eden. Ipinanood din dito ang isang video ng iba’t ibang footages ng mga gawain ng ating mga kasamahang martir.

Dahil Baclaran Day, marami ang naidaos na misa sa simbahan ngunit sa kabila nito ay nagkaroon din ng pagkakataon na maidaos ang isang pormal na programa sa tanghali. Napasimulan ng isang pagtatanghal mula sa Teatro Makabayan Southern Tagalog. Napakinggan din ang isang mensahe mula kay Ka Orly. Hindi napigilang maging emosyonal ni Ka Orly sa kanyang panawagan para sa hustisya nila Ka Eden at Ka Eddie.

Sa mga naganap na misa sa simbahan ay narinig din ang pahapyaw na pagbanggit sa kadakilaang halimbawa nila Ka Eden at Ka Eddie ng dalawang beses, isa sa umaga at isang beses sa hapon.

Kinagabihan ay naganap ang isang pag-aalay ng mga panalangin at kandila para sa mga biktima ng karapatang pantao. Nagbahagi rin ng pananalita ang panganay na anak ni Ka Eden, si Dana. Ang sumulat ay nabigyan din ng pagkakataong magbahagi ng pananalita at ang mensahe nito ay uminog sa bahagi ng Banal na Kasulatan na nagsasabing “Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahihirap.” Ito ang ginawa ng Panginoong Hesus, at tayo, bilang mga taong simbahan at tagasunod niya, ay nararapat din na tularan ang halimbawa ni Hesus, ang ipagtanggol, ipaglaban, at igawad ang katarungan sa api at mahihirap.#

 

920587_465833240154056_677616071_o

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: