Press Release: Ilitaw si Alex Arias, Lider Magsasaka Dinukot ng mga Militar

KARAPATAN-Southern Tagalog

Press Release | April 12, 2012

STA. CRUZ, LAGUNA – Abril 7, 2012, humigit kumulang sa ika-11 ng umaga, dinukot ng pinaghihinalaang mga elemento ng 1st Infantry Battalion Philippine Army (1st IBPA) si Alex Arias sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna. Hindi pa rin natatagpuan si Alex hanggang ngayon.

Si Alex Arias, 56 taon gulang ay pangulo ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (PUMALAG-KMP). Pauwi si Alex sa kanilang bahay nang harangin ang motorsiklong kanyang sinasakyan ng mga pinaghihinalaang sundalong lulan ng van.

“Ilitaw si Alex Arias at itigil ang pagdukot, iligal na pang-aaresto at pagkakaso ng mga gawa-gawang akusasyon sa mga lehitimong lider ng mga progeresibong grupo. Hindi NPA si Alex katulad ng ibinibintang ni Col. Ivan Samarita ng 202nd Brigade. Sa katunayan, si Alex ang isa mga tagapagtatag ng PUMALAG noong 1998 ”, pahayag ni Glen Malabanan, secretary general ng KARAPATAN-Southern Tagalog.

Mariing kinundena ng KARAPATAN ang maruming taktikang ito ng administrasyong Aquino. Matatandaang noong Pebrero 8 lamang ay ganito rin ang ginawa ng 202nd Brigade sa dalawang lider kababaihan ng KADAMAY-ST na sina Evelyn Legaspi at Pastora Latagan, pinaratangang mga  NPA at kinasuhan ng gawa-gawang kaso.

“Nakakaalarma ang halos sunod-sunod na napapaulat na kaso ng paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao sa probinsya ng Laguna magmula noong Enero”, dagdag pa ni Malabanan.

Ayon pa kay Malabanan, noong Enero ay nagtayo  ng mga detachment ang 1st IBPA at 202nd Infantry Brigade sa mga bayan ng Magdalena, Majayjay at Liliw, Laguna para diumano sa Peace and Development Program sa ilalim ng kontra-insurhensyang programa ni Aquino na Oplan Bayanihan. Itinayo ng mga sundalo ang detachment sa mga eskwelahan, barangay hall at mismong sa gitna ng komunidad. Mula noon ay may mga  insidente na ng pang-aabuso at paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao ang naitala ng KARAPATAN.

Noong Pebrero 16, 2012 sa Brgy. Atingay, Magdalena, Laguna ay walang habas na pinagbabaril ng mga elemento ng 1st IBPA at 2nd IBPA ang apat na mga kabataang mangangaso. Napatay ng mga sundalo sina Christian Noceto, 15 taong gulang at si Jaycee Perez, 31 taon gulang. Samantalang, malubhang nasugatan ang dalawa pang menor de edad na sina Francis Abanilla at Gino Baez. Matapos aminin ng tagapagsalita ng Southern Luzon command na si Col. Generoso Bolina na napagkamalan lang na mga NPA ang mga biktima ay binayaran na lamang ang kanilang pamilya upang iurong ang mga kasong isinampa sa mga sundalo.

May mga napaulat rin na mga kaso ng pambubugbog ng mga sundalo. May ilang insidente rin ng panunutok ng baril kapag nalalasing ang mga militar.

“Kailangang ilantad ang nakaka-alarmang pagtaas ng bilang ng kaso ng pang-aabuso at paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao, sapagkat nakapanlilinlang sa mamamayan ang OPLAN BAYANIHAN ni administrasyong Aquino. Nagtatago ang kontra-insurhensyang progrma na ito sa ilalim ng mga slogan para sa kapayapaan at kaunlaran subalit karahasan, pang-aabuso, pagdukot at pagpatay sa mga  mamamayang pinaghihinalaan mga kaaway ng gubyerno ang dulot nito. Sa halip na ang tinutugis ng gobyerno ay ang kriminal na si Jovito Palparan ay ang mga inosenteng mamamayan ang nagiging biktima”. ###


Comments
One Response to “Press Release: Ilitaw si Alex Arias, Lider Magsasaka Dinukot ng mga Militar”
  1. Jobert Villanueva says:

    Malala na ang tahasang pang gigipit,pang aabuso,at pag labag sa karapatang pantao ang ginagawa ng rehimeng Aquino!
    Nakaka alarma na!
    Dapat na talaga tayong magbuklod at magsikilos!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: