Kapatid ng kabilang sa Morong 43, Pinaslang; Kaso ng Pampulitikang Panunupil, Nadagdagan

[Mamburao, Occidental Mindoro]— Disyembre 13 ng ika-6:30 ng gabi, pinaslang sa loob mismo ng kanilang tahanan si Guillermo Castillo, 46 taong gulang, sa Sitio Tuguilan, Barangay Tayamaan, Occidental Mindoro. Sa harapan ng kanyang asawa ay pinagbabaril siya ng mga nakasuot ng bonnet at hinihinalang  mula sa 80thInfantry Batallion of Philippine Army. Bago ang pagpatay ay ilang araw rin silang nakaranas ng surveillance.

Si Guillermo ay kasapi ng organisasyon ng mga magsasaka sa Mamburao, Occidental Mindoro. Siya ay kapatid ni Ely Castillo na kabilang sa Morong 43 ngunit hindi kasama sa mga napalaya noong Disyembre ng nakaraang taon at kasalukuyan pa ring nakakulong.

Ayon kay Glendyhl Malabanan, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Tagalog, “Nakakalungkot na katatapos pa lamang gunitain ang 63rd International Human Rights Day ay nadgadagan na naman ang kaso ng pampulitikang pamamaslang sa ilalim ng administrasyon ni Aquino. Hindi natapos sa rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo ang mga mga kaso ng pampulitikang panunupil, pinagpatuloy lamang ito ng kasalukuyang administrasyon ni Noynoy Aquino III sa pamamagitan ng kanyang Oplan Bayanihan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, mayroon ng 65 biktima ng pampulitikang pagpatay kabilang na ang nangyari kay Guillermo. Kasabay nito ay nagpapatuloy ang mga sapilitang pagkawala , ilegal na pang-aaresto, tortyur at mga demolisyon. Idagdag pa rito ang 356 na mga detenidong pulitikal kabilang ang kapatid ni Guillermo na si Ely Castillo na hindi isinama sa mga pinalayang Morong 43 at hanggang ngayon, ay nakakulong.”

“Ang Oplan Bayanihan ni Aquino ay mapanlinlang dahil sa karahasang hatid nito sa mga mamamayan, taliwas sa di umano’y pagsusulong nito ng kapayapaan.  Walang pinag-iba sa Oplan Bantay Laya ni Arroyo. Ang magkapatid na Castillo ay biktima ng pulitikal na panunupil.  Ang pagpaslang, pagpiit sa kulungan at iba pang pandarahas ay pamamaraan ng kasalukuyang gobyerno upang patahimikin ang mga progresibong kritikal sa kanilang pamumuno, walang pinagkaiba sa pasistang pamamaraan ng mga nagdaang adminstrasyon,” pahayag ni XL Fuentes, tagapagsalita ng BAYAN-Southern Tagalog.

Dagdag pa ni Fuentes, “Sa kabila ng matinding sosyo-ekonomikong krisis ay ganitong klaseng panunupil pa ang ipinangsasagot ng kasalukuyang rehimen ni Aquino sa mga mamamayang lumalaban at nagsusulong ng mga batayang karapatang pantao.” Ayon sa kanya hindi titigil ang mga mamamayan na manawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng pampulitikang pandarahas para sa tunay na kapayapaan. ###


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: