Press Release I Ka Nestor San Jose, Pumanaw dahil sa Malubhang Sakit habang nasa Kulungan

LUCENA, QUEZON – Nobyembre 9, 2011, humigit kumulang sa ika-8 ng gabi, pumanaw si kasamang Nestor San Jose habang isinusugod sa ospital mula sa Quezon Provincial Jail dulot ng malubhang sakit na Tuberculosis.Si ka Nestor ay miyembro ng progresibong organisasyon na Anakpawis at naging mahusay na lider ng PISTON-Rizal Chapter.

Bahagi ng matinding pulitikal na represyon sa ilalim ni Gloria Macapagal Arroyo, ang kriminalisasyon sa 72 lider aktibista sa rehiyon ng Timog Katagalugan noong 2008. Isa siya sa mga aktibistang sinampahan ng gawa-gawang kasong kriminal ng mga militar.  Matapos na mapawalang bisa ang kanilang kaso, muli siyang dinakip sa Pagbilao, Quezon noong Setyembre 1, 2010 at muling sinampahan ng dalawang kaso. Patunay na kahit sa kasalukuyang rehimeng Noynoy Aquino ay nanatili ang paglabag sa karapatang pantao. Nanatili ang mga kasong hindi nabibigyan ng resolusyon at ginipit ang mga progresibong aktibista sa pamamagitan ng pulitikal na represyon at pagbibilanggo.

Ayon kay Glendhyl Malabanan, Secratary General ng KARAPATAN-Southern Tagalog, “Ang pangyayaring ito ay sumasalamin sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga bilanggong pulitikal sa ating bansa. Sa tagal ng proseso ng paglilitis sa hudisyal na batas ng Pilipinas ay nanatili siya sa loob ng bilangguan na hindi naman napapatunayang may sala hanggang sa binawian ng buhay. Ang nangyari kay ka Nestor ay isa lamang sa mga kwento ng lahat ng mga detenidong pulitikal sa bansa. Patuloy na matatag na nakikibaka sa kabila man ng kahirapan sa loob ng bilangguan.”

Sa nalalapit na International Day of Solidarity with Political Prisoners sa Disyembre 3, magsasagawa ng paggunita ang KARAPATAN-ST kasama ang iba pang mga progresibong organisasyon ng Timog Katagalugan upang isulong ang karapatang pantao sa bansa. Ngayon pa lamang bilang paghahanda, sa pangunguna ng KARAPATAN-ST ay nangangalap ng 10,000 sulat upang hilingin sa pangulo at Secratary of Justice ang pagpapalaya sa mga detenidong pulitikal at maagap na pagtugon sa kalunos-lunos na kalagayan sa bilangguan ng mga detenidong pulitikal. Magkakaroon din ng paglaladlad ng Human Rights Quilt na tatahiin ng mga bilanggong pulitikal kasama ang iba’t ibang sektoral na organisasyon mula sa mga eskwelahan at komunidad. Sa malikhaing pamamaraan ay ipapakita nito ang kalagayan ng karapataong pantao sa bansa.

Sa pahayag ni XL Fuentes ng BAYAN- Southern Tagalog, “Nararapat lamang na bigyang hustisya ang sinapit ni Ka Nestor. Bilang isang Martir ng sambayanan, pagpupugay sa kanyang katatagan sa pakikibaka, sa kabila man ng kahirapan sa malupit na muog ng rehas, tiniis niya ang hirap sa ngalan ng tunay na kalayaan ng sambayanan.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: