Press Release | Timog Katagalugan Pangungunahan ang Tigil-Pasada

Tigil Pasada sa Timog Katagalugan, bahagi ng Pambansang Protesta laban sa Oil Deregulation Law, P9Overpricing at 12% EVAT sa langis

Press Release | August 31, 2011 | Bagong Alyansang Makabayan – Timog Katagalugan

Reference: XL Fuentes | Sec. Gen., Bayan-TK

SANTA ROSA CITY, LAGUNA- Inilulunsad ngayong araw ang pambansang protesta ng mamamayan laban sa ptuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo, ang over-pricing ng P9 kada litro, ang 12% EVAT sa langis, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at kawalan ng serbisyong panlipunan.

Inaasahan ang malawak na protesta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, na lalahukan ng mga tigil-pasada. Isa sa mangunguna sa welgang transportasyon ang rehiyon ng timog-katagalugan.

“ Nakikita ng ninyo ngayon  sa inyong harapan ang  tangke ng mga jeep at tricycle na nakataob, dahil walang laman: wala ng kakayanan ang mga tsuper sa makapagkarga ng krudo at gasolina dahil sa napakataas na presyo.” ito ang pahayag ni Rolando Mingo, tagapangulo ng STARTER, ang pinakamalawak at militanteng organisasyong-pangtransportasyon ito rin ang pangrehiyunal na balangay ng PISTON.

“Lingguhan at labis-labis kung magtaas ang presyo ng petrolyo, samantalang ang roll-back ay napakabihira at sobrang kakarampot. Sa katunayan ay naniningil pa ang mga dambuhalang kapitalista sa langis ng sobra, P9 kada litro na overpriced ang produktong petrolyo.” dadag pa ni Mingo.

Kung matatandaan natin noong nakaraang buwan bago ang SONA ni Aquino ay naglunsad din ng isang matagumpay na tigil-pasada ang timog-katagalugan. Na nagparalisa sa halos 85% sa mga mayor na ruta sa buong rehiyon.

“Hindi lamang mga tangke ang nakataob naririto rin at walang laman ang mga kalderong pang-ingay, walang laman dahil sa epekto ng oil price hike na pagtaas din ng mga bilihin. Ang mamamayan ng timog-katagalugan ay nakikiisa sa buong bansa.” Ito ang pahayag naman ni XL Fuentes ang pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (BAYAN-TK).

“Bago pa natin ito ilnilunsad, sa bawat ikot natin sa mga komunidad ay umani na tayo ng pagsuporta ng pinakamalawak na hanay ng mamamayan kaya hindi imposible na maabot natin ang 100% na pagpaparalisa sa rehiyon gayundin ang pinakamalawak na protesta ng mamamayan. Hindi rin magdadalawang isip ang timog-katagalugan na maglunsad pa ulit ng tigil-pasada sa susunod na linggo kung patuloy na hindi papakinggan ng pamahalaan ang panawagan ng mamamayan.” Pangwakas na hamon ni Fuentes.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: