Press Release | 1-M lagda para sa libreng lupa, inilunsad

Katipunan ng mga Samahang Magbubukid -Timog Katagalugan (Kasama-TK)
Press Release | April 30, 2011

(Los Baños, Laguna) Pinangunahan ng Katipunan ng mga Samahang
Magbubukid sa Timog Katagalugan o Kasama-TK ang isang signature
campaign na naglalayong makalikom ng isang (1) milyong pirma na
ihahapag sa Kongreso upang itulak ang pagsasabatas ng House Bill 374 o
Genuine Agrarian Reform Bill.

Ang panukalang batas ay ini-sponsoran ni Congressman Rafael “Ka Paeng”
Mariano ng Anakpawis Partylist.

Ayon kay Nestor Villanueva, tagapagsalita ng Kasama-TK, ay wala na
silang ibang nakikitang dahilan para antalain pa ang pagsasabatas ng
HB 374 matapos mapatunayang bigo ang kasalukuyang Comprehensive
Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) at mga
nagdaang reporma sa lupa ng gobyerno.

Lumabas sa pag-aaral ng grupo ni Villanueva na sa loob ng dalawampung
20-taong pag-iral ng CARP at magdadalawang taon nang CARPER ay hindi
nito nabuwag ang monopolyong kontrol sa malalawak na lupain ng
malalaking landlord sa bansa na pinangungunahan mismo ni Presidente
Benigno Simeon ’Noynoy’ Aquino III at mga kamag-anakan nito.

Tinataya ng militanteng grupo na sa rehiyong Timog Katagalugan ay may
kalahating milyong ektaryang lupain pa ang kontrolado lamang ng 835 na
landlord habang nasa 70-porsyento pa ng kabuuang populasyon sa
kanayunan ay walang pag-aaring lupa.

Tatagal nang 100-araw ang kampanyang pagpapapirma ng mga magsasaka at
plano nilang isumite sa Kongreso ang nakalap na lagda sa ikalawang
taong anibersaryo ng CARPER sa Agosto.

”Bukas, Mayo Uno, sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, inaasahan namin
na makakakalap na agad kami ng hindi bababa sa 5,000 pirma mula sa mga
manggagawa ng rehiyon na naghahangad rin ng tunay na pagbabago sa
lipunan at kapanalig namin sa paniniwalang ang tanging matuwid na daan
tungo rito ay ang pagkumpiska sa mga lupaing kontrolado ng malalaking
panginoong maylupa at libreng pamamahagi nito sa mga maralita sa
kanayunan,” dagdag ni Villanueva.

Ang pambansang samahang ng magsasaka na Kilusang Magbubukid ng
Pilipinas ay nag-anunsyo ring magaganap bukas sa buong kapuluan ang
malawakang pagpapapirma kasabay ng malalaking kilos-protesta ng mga
manggagawa para sa kahilingang umento sa sahod.

Kumpyansa ang grupo na makukumpleto nila ang 1-milyong pirma bago ang
Agosto. Laman ng signature sheet ang pahayag na: ”Kaming mga
magsasaka, mangingisda, kababaihan at kabataang magsasaka,
manggagawang bukid, pambansang minorya, maralitang taga-lungsod,
kabataang estudyante, propesyunal at mga mamamayang Pilipino ay
nagkakaisang nagpapahayag ng pagsuporta sa panukalang batas na House
Bill 374: Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) at pagbasura sa Republic
Act 9700: Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms
(CARPER).”#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: