Press Release: Bangkay ng kabataang pinaslang sa Occ. Mindoro, natagpuan na, kaibigan at kapamilya, hinaras ng militar

ANAKBAYAN TIMOG KATAGALUGAN

PRESS RELEASE

DECEMBER 27, 2010

REFERENCE PERSON: NEIL MACUHA, Deputy Secretary General, Anakbayan-TK

“Basag ang mukha sa may bahagi ng panga, may tama [ng baril] sa tagiliran at namatay ng mulat.” Ito ang deskripsyon sa larawan ng bangkay ng isang kabataang nasawi sa nakaraang opensibang atake ng militar sa Occidental Mindoro noong Disyembre 23, 2010.

Si Stephen Lester Barrientos, 19 taong gulang at aktibong miyembro ng Southern Tagalog Cultural Network (STCN) ay napaslang  sa  San Jose, Occidental Mindoro kung saan nagsagawa ng isang opensibang operasyon ang Armed Forces of the Philippines’ 80th Infantry Battalion (IB).

“Patuloy ang aming pagkundena sa panlilinlang ng AFP sa mga mamamayan at sa kanilang pekeng ceasefire. Dito natin nakikita ang pagiging desperado ng AFP na tugisin ang mga rebelde na kahit sa gitna ng isang napagkasunduang ceasefire at sa presensya ng mga sibilyan ay umaatake sila,” ani Neil Macuha, deputy secretary-general ng Anakbayan-Timog Katagalugan.

Natagpuan ang labi ni Barrientos, alas-dos y media ng hapon, Disyembre 26, sa Maxima Funeral Homes, Sitio Bayutbot kung saan siya diumano inilibing ng mga militar. Matapos maipa-autopsy ay napag-alamang nagtamo ng dalawang tama ng baril si Barrientos, isa sa kaliwang balikat at isa ay sa kanang bahagi ng dibdib.

Matapos maipa-embalsamo ang bangkay ay nilakad na ng mga kaibigan at kaanak ang papeles upang maiuwi ito sa Laguna kung saan nanirahan si Barrientos.

Pandarahas ng militar

Ngunit ayon kay Macuha, ang pagresponde sa pangyayari at paglalakad ng papeles ay hindi naging madali para sa mga kaanak at kaibigan ni Barrientos. Simula nang dumating ang mga ito sa Occidental Mindoro ay nakararanas umano sila ng pandarahas sa mga militar sa lugar.

Ulat ng isang kaanak, pasado alas-kwatro ng hapon noong Disyembre 26 din ay naganap ang interogasyon sa kanila ng mga military. Habang nakasuot ng full battle gear ang mga ito ay tinatanong diumano sila ng kung anu-ano tulad ng kinaroroonan ng magulang ni Barrientos, tirahan niya at dahilan kung bakit napadpad ito sa Occidental Mindoro, at habang tinatanong sila ng mga militar sa isang kubo ay kinukuhanan pa diumano sila ng mga larawan.

May apat na taong kahina-hinalang paligid-ligid sa lugar na pinagparadahan ng kanilang dyip at limang metro mula dito ay may truck na may lulang anim hanggang walong militar. Dagdag pa dito, sila ay binantaang haharangin sa isang checkpoint sa kanilang pagbalik sa Laguna.

Mariin namang pinabulaanan ni Macuha ang inilabas na impormasyon sa media ng AFP na miyembro ng New People’s Army (NPA) si Barrientos.

“Si Lester ay isa lamang anak na gustong magdiwang ng pasko kasama ang kanyang ama sa  Occidental Mindoro. Ginagamit na naman ng militar na katwirang NPA ang casualties ng kanilang mga operasyon, ngunit ito ay gasgas na at lantad na ang kanilang pasistang katangian sa mamamayan.” ani Macuha. #

Related stories:

Kabataan, napaslang sa paglabag ng AFP sa tigil-putukan

http://www.arkibongbayan.org/2010/2010-12Dec25-lester/lester.htm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: