Morong 43, Mukha ng Tagumpay ng Pakikibaka ng Mamamayan

Matapos ang sampung buwang iligal na pagkaka-piit ay napalaya na ng tuluyan kahapon mula sa Camp Bagong Diwa ang 33 sa 43 manggagawang pangkalusugan na mas kilala ngayon sa tawag na Morong 43 umano dahil sila ay mga miyembro ng New People’s Army (NPA). Sa kalagayang kapos, kung di man ay wala sa prayoridad ng gubyerno ang serbisyong pangkalusugan, boluntaryong naglilingkod sa mga komunidad silang mga tinatawag na community healthworkers.

Sa kanilang pagtupad sa hamon ng paglilingkod, sila ay iligal na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Rizal-PNP at ng 2nd Infantry Division Philippine Army sa kalagitnaan ng isinasagawang community health response training gamit ang depektibong search warrant sa isang resort sa Morong, Rizal noong Pebrero 6 umano dahil sila ay pinaghihinalaang mga miyembro ng NPA at kinasuhan sila ng mga gawa-gawang kasong Illegal Possession of Firearms at Explosives. Tatlumpu’t walo ang kinulong sa Camp Bagong Diwa samantalang lima naman ang nanatili sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Sa kabila ng mga pahirap, pananakot at torture, hindi natinag ang kalakhan sa mga healthworkers, sa halip ay matapang nilang hinarap ang mga paratang sa kanila ng military at pulis. Katunayan, sa kanilang paninidigan at nagbunga ito ng pagdaluyong ng suporta at panawagan mula sa iba’t-ibang sektor sa lokal at maging sa ibang bansa upang ipanawagan sa kagyat ang pagpapalaya sa 43 healthworkers.

Bagay na siyang nagtulak sa Commission on Human Rights at Department of Justice na rebisahin ang kaso at irekomenda ang pagpapalaya sa 43. At noon ngang December 10 ay pormal nang pinag-utos ni PNoy ang pagbawi sa mga kaso laban sa 43 na siyang nagbigay daan sa kanilang kalayaan bago sumapit ang araw ng pasko.

Malinaw na ang tagumpay na ito ay tagumpay ng sama-samang pagkilos at walang humpay na pakikibaka para sa pagsusulong at pagtatanggol sa karapatang pantao. Patunay ito na nasa sama-samang pagkilos ang tulay sa pagkamit ng tunay na pambansang demokrasya at kalayaan. Sa kabila nito’y, nananatili pa rin ang hamon sa pagpapatuloy ng pagkikibaka upang mapalaya ang lahat ng mga bilanggong pulitikal sa bansa.

PALAYAIN ANG LAHAT NG BILANGGONG PULITIKAL!

PANAGUTIN ANG MGA BERDUGONG PULIS AT MILITAR!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: