PRESS RELEASE: Kundenahin at bigyang katarungan ang sinapit na karahasan ni Grace Capistrano!

Ipinahahayag ng GABRIELA-Southern Tagalog ang mariing pagkundena sa sinapit ni Grace Capistrano at ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Napakalupit ng ganitong makahayop na pagtrato sa isang babaeng nagdadalantao at kawalang paggalang sa karapatang pantao. Pagpapatunay na patuloy ang karahasan sa kababaihan at ang primaryang may kagagawan pa nito ay mga ahente ng estado!

Nakapanghihilakbot ang sinapit ni Grace, 23 anyos at nagdadalangtao mula sa Angono, Rizal sa mga pulis ng Rizal. Punong-puno ng dugo ang katawan ni Grace matapos magtamo ng 24 na saksak at tama ng baril sa binti, natagpuan siya sa Baranggay Pinagsangjan Pagsanjan, Laguna. Hindi na naisip ng 2 pulis sa katauhan nina PO2 Mario Natividad at PO1 Antenor Mariquit, na siya ay 4 na buwang nagdadalangtao. Ang mga pulis na ito ay pawang mula sa sa Cainta Police Station at sa Rizal Regional Police Station. Habang nasa biyahe ay pinagsasaksak si Grace sa dibdib at likuran, matapos itulak palbas ng sasakyan ay binaril pa sa binti. At dahil sa tatag ng loob kahit sa dami ng tinamong sugat ay nanatili siyang buhay hanggang sa makahanap siya ng tulong mula sa isang matandang magsasaka. Halos 7 oras niyang ininda ang mga tama ng saksak at tama ng bala. Ang araw na siya ay natagpuan ay ang Pandaigdigang Panawagan sa Pagpawi ng Karahasan sa Kababaihan, pagpapatunay na kahit may ganitong panawagan ay marapat na tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng kababihan at hindi sila dapat makuntento sa tinatamasang mga karapatan.

Sa isang bansa na laging ipinapamandila ang pagsusulong at paggalang sa interes ng kababaihan, isa na naman itong lamat sa matagal nang wasak na imahe ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Hindi ito ang unang pagkakataon na mga kapulisan at ahente ng estado ang nagunguna sa pamamaslang at pagyurak ng dignidad ng mga kababaihan. Matatandaan noong maagang bahagi ng dekada 90; naganap na Tagkawayan Masaker kung saan isa sa mga biktima ay isang 8 buwang buntis na babae at ang masaker na ito ay sa pangunguna ng mga militar sa Tagkawayan, Quezon. Ang naganap na karumaldumal na krimeng ito ay isa na namang malinaw na paglabag sa karapatang pantao, pagyurak sa dangal at karapatang mabuhay ng isang sanggol at pagrespeto bilang isang babae. Ang dapat sana ay nagtatanggol ay sila pang nagungunang kriminal!

Nagngangalit ang laksa-laksang militanteng kababaihan ng Timog Kataglugan sa sinapit ni Grace. Naging mapalad siya dahil nakaligtas siya at ang kanyang sanggol, ngunit paano na lamang ang iba pang kababaihan na hindi nakaligtas na pandarahas ng mga ahente ng estado dahil sa kanilang panindigan at ipinaglalaban? Hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin ng katarungan ngunit naging mailap pa rin ang hustisya!

Kundenahin ang karahasan sa Kababaihan!
Igalang ang buhay sa sinapupunan!

Panagutin ang Philippine National Police!
Hustisya sa lahat ng Biktima ng Paglabag sa Karapatang Pantao!

Refference:
Rjei Manalo
Pangkalahatang Kalihim, GABRIELA-Southern Tagalog


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: