Press Release | Lakbayan Day 3: Mga mamamayan kinalampag ang mga Cojuangco at Yulo, Kinundena ang mga naPASOng pangako ni P-Noy

KASAMA-TK | KATIPUNAN NG MGA SAMAHANG MAGBUBUKID SA TIMOG KATAGALUGAN

PRESS RELEASE. October 20. 2010

References:
Nestor Villanueva| Spokesperson | KASAMA-TK
Andrianne Mark Ng |Spokesperson | BAYAN – ST

Magiting na ipinagpapatuloy ng mga magsasaka at daan-daan pang mga tagasuporta ang ikatlong araw ng Lakbayan para sa lupa at hustisya. Ngayong araw kinalampag nila ang mga tanggapan ng mga kapitalista’t panginoong may lupang Cojuangco at Yulo sa Makati.

“Sila at ang mga katulad nila ang dahilan sa patuloy na paghihirap naming mga magsasaka. Kumakamal sila ng higit pa sa nararapat na umaabot sa puntong sila ay pumapatay na ng kapwa nila Pilipino,” pahayag ni Nestor Villanueva, tagapagsalita ng KASAMA-TK.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinamamahagi ng angkan ng mga Cojuangco-Aquino sa mga magsasaka ang lupang sakahan sa Hacienda Luisita sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema. Samantalang sa mahigit 7,100 hektaryang Hacienda Yulo, patuloy ang panggigipit at militarisasyon sa pagtatangkang palayasin ang mga magsasaka sa kanilang mga panirahan at lupang sakahan upang tayuan ng golf courses at mga subdibisyon.

Ani Villanueva, patunay ang CARPer na mga haciendero at mayayamang kapitalista’t dayuhan lamang ang boss ni Noynoy at hindi ang mamamayang maralita.

Bago tumulak ang mga demonstrador sa mga tanggapan sa Makati ay kinalampag din ng mga ito ang Embahada ng Hapon bilang pagpapahayag ng disgusto sa patuloy at kabi-kabilang demolisyon sa Laguna at Cavite na  ibinunsod ng pagpapagawa ng Philippine National Railways (PNR) ng riles sa mga naturang lugar na parte ng CALABARZON project. Kahapon ay minarkahan ang 20th anibersaryo ng CALABARZON project sa rehiyon na tinatayang peperwisyo sa mahigit 100,000 pamilya sa iba’t ibang probinsiya ng Timog Katagalugan.

Bagamat nagbigay ang mga lokal na pamahalaan ng relocation sites sa kanilang mga pinalikas, hindi umano maayos ang naging pamumuhay ng mga relocatees. Ayon sa ilang residente ng Southville 7 sa Laguna, walang maayos na linya ng tubig at wala ring maayos na sewage system ang lugar na  dahilan ng mabilis na pagkakasakit ng mga naninirahan.

“Walang aasahang mabuti ang mga mamamayan ng Timog Katagalugan sa administrasyon ni Noynoy sapagkat pawang delubyo lamang tulad ng bagyong Juan ang kanyang hatid sa mga magsasaka at maralitang tagalungsod,” ani Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan – Southern Tagalog (BAYAN-ST).

Matapos maipatambol ng mga magsasaka ang kanilang mga panagawan sa mga nasabing tanggapan ay tumungo sila sa Ninoy Aquino Monument upang ilunsad ang malikhaing protestang “NaPASOng Pangako” kung saan binasag nila ang dambuhalang paso na sumisimbolo sa kahungkagan ng programa ni Aquino sa repormang agraryo.###

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: