Press Release: 3 lider magsasaka sa Laguna iligal na dinampot ng mga militar

KASAMA-TK
Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan

Press Release: October 6, 2010

Reference: Axel Pinpin | Secretary General | Kasama-TK

Panibagong kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng gubyernong Aquino:
3 lider magsasaka sa Laguna iligal na dinampot ng mga militar

Darwin "Tatso Liwag, secretary general ng PUMALAG, pamprobinsyang organisasyon ng mga magsasaka sa Laguna

Tatlong lider magsasaka ang dinampot ng mga militar sa probinsya ng Laguna kaninang umaga lamang. Ayon sa militanteng grupong magsasaka na KASAMA-TK, karagdagan na naman ito sa dumadaming kaso ng gubyernong Aquino laban sa hanay ng mga magsasaka matapos ang sunod-sunod na insidente ng extrajudicial killing (EJK) at mga iligal na pang-aaresto kamakailan lamang.

Batay sa mga ulat na nakalap ng KASAMA-TK, sina Darwin “Tatso” Liwag, secretary general ng pamprobinsyang grupong magsasaka sa Laguna na PUMALAG, at dalawang staff nito na sina Rey Malaborbor at Aries Suazo ay dinampot ng pinagsanib na mga elemento ng 202nd Brigade at 1st Infantry Batallion ng Philippine Army sa pangunguna ng isang Lt. Aaron Nasataya sa isang checkpoint sa Brgy. Lewin, Lumban Laguna.

Tinaniman ng mga armas at pinalalabas na mga kasapi ng rebolusyonaryong grupo na New People’s Army (NPA) ang tatlo.

“Mariin naming kinukundena ang tuloy-tuloy na atake ng administrasyong ito sa hanay ng mga aktibista at mga magsasaka sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Higit lamang lumilinaw na ang bagong pangulo ay walang ipinag-iba sa nagdaan na rehimeng Arroyo,” pahayag ni Axel Pinpin, dating bilanggong pulitikal at secretary general ng KASAMA-TK.

Pinabulaanan ni Pinpin ang paratang na mga NPA umano ang tatlong lider magsasaka. Ayon sa kanya, ganito rin ang sinapit nila ng “Tagaytay 5” sa ilalim ng rehimeng Arroyo kung saan sila ay dinampot, tonortyur at pinalalabas na mga NPA. Matapos ang mahigit 2 taon ng pagkakakulong, saka lamang nakalaya ang Tagaytay 5 matapos mapatunayan na walang batayan ang mga ikinakaso sa kanila.

Ayon pa kay Pinpin, si Liwag, o mas kilala bilang Tatso ay madalas din sa Metro Manila nito lamang nakaraan dahil sa kanilang inillunsad na kampuhang magsasaka sa Department of Agrarian Reform. “Sa katunayan, kasama pa siya sa inilunsad na press conference ng KASAMA-TK nito lamang September 29, 2010 sa harapan ng DAR, at katext ko lang siya kagabi kaugnay ng isasagawa namin na kilos protesta ngayong araw na ito,” dagdag pa ni Pinpin.

Sa kanyang pahayag, tinukoy ni Pinpin bilang patunay ng patuloy na panunupil ng gubyerno sa hanay ng mga magsasaka at aktibista ang 16 kaso ng extrajudicial killing (EJK) sa loob ng isandaang araw na panunungkulan ni Aquino. Kabilang dito ang 5 magsasaka na pinatay sa probinsya ng Rizal, habang ang pinakahuling biktima ay magsasaka rin na pinatay naman sa Negros.

Sa lalawigan din ng Rizal, dinampot, tinortyur at ikinulong naman ang isang katutubong magsasaka habang sa lalawigan ng Batangas ay isang 17 anyos na magsasaka ang nabaliw dahil sa pagpapahirap at sapilitang rekrutment sa CAFGU ng mga militar.

Kinundena naman ng grupong KARAPATAN-ST ang pagpapapatuloy ng kontra-insurhensiyang programa na Oplan Bantay Laya (OBL) na sinumlan sa panahon ng rehimeng Arroyo. Ayon sa deputy secretary general nito na si Glen Malabanan, ang OBL ang pangunahing salarin sa mahigit isanlibong kaso ng EJK at ilandaang kaso ng pagdukot at iligal na pagkukulong. Ayon kay Malabanan, para sa kanila ay mabilis na mumitaw ang tunay na mukha ni Aquino bilang \human rights violator na katulad ng nagdaang rehimen nang magpasya itong ipagpatuloy ang OBL.

“Sa kanyang inaugural speech, ipinagmayabang ng maka-panginoong maylupa na si Aquino na kanyang titiyakin ang ‘kalinga na tunay para sa mga magsasaka.’ Ang sinumpaan niya na ito ay naging sumpa na lalong nagpapahirap ngayon sa mga magsasaka. Sa pinakahuling insidente na ito, lalo lamang lumilinaw na walang tunay na pagbabagong aasahan ang mga magsasaka kay Aquino, kaya naman mas patitindihin pa namin ang aming mga panagawan at protestang magsasaka,” pagtatapos naman ni Pinpin.

Sa kasalukuyan, magtatangka na muling mag-vigil ang mga magsasaka sa pangunguna ng Kasama-TK at KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) sa Mendiola hanggang sa ika-100 araw ng pagkapangulo ni Aquino sa October 8 upang tuligsain ang ayon sa kanila ay maka-haciendero at maka-dayuhan na administrayon.

Samantala, isang “Pambansang Lakbayan” naman ang pinaplano din ng mga nasabing grupo sa darating na linggo ng magsasaka sa October 18-21.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: