Press Release: Galit na mga magsasaka, binato ng kamatis ang’ Presidential Seal’

Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK)
Press Release | October 4, 2010

Reference:
Nestor Villanueva | Spokesperson | KASAMA-TK

Simula bukas hanggang sa ika-100 ni PeNoy ay babatuhin ng kilusang magbubukid ang selyong ito. Pagpapakita ng pagkadismaya sa hacienderong rehimeng walang interes na tugunan ang matagal nang suliranin ng mga magsasaka.

Countdown sa ika-100 Araw ni Aquino:

Galit na mga magsasaka, binato ng kamatis ang’ Presidential Seal’

( Quezon City ) Pinaratangang maka-haciendero at tuta ng Kano ng mga magsasaka si Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino habang binabato nila ng bulok-na-kamatis ang selyo ng ‘Republika ng Pilipinas’ sa harapan ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City.

“Walang dapat ikatuwa ang mga maralita sa kanayunan sa unang 100-araw ni Noynoy. Lupa at hustisya ang aming sigaw sa unang araw pa lamang niya pero katakut-takot na kamkaman ng lupa at pagpaslang sa magbubukid ang napala namin,” galit na pahayag ni Nestor Villanueva, Tagapagsalita ng Kasama-TK.

Sa kilos-protestang isinagawa ng grupo, pinalitan nila ang mga titik ng opisyal na selyo ng Republika ng Pilinas ng “Republika ng Haciendero”. Ang gintong araw sa gitna ng selyo ay ginawang duguang dilaw na laso. Mapapansin din ang mga imaheng tubo, sumbrero ng haciendero na may bandila ng Kano at sigarilyo; na sa kaalaman ng publiko ay isa sa mga bisyo ng Pangulo.

“Marapat lamang na tawaging ‘Republika ng Haciendero’ ang rehimeng ito. Lahat ng talumpati ni Aquino mula sa kanyang inagurasyon hanggang sa kanyang SONA ay malinaw ang pagkiling sa interes ng kanyang kapwa landlord at kumprador,” banggit ni Villanueva.

Idiniin ng grupo na walang nasabi man lamang ni minsan ang Pangulo hinggil sa usapin sa reporma sa lupa sa mahabang pagsubaybay nila sa unang 100-araw ni Aquino.

Nagbanta rin ang grupo na hindi sa unang 100-araw natatapos ang kanilang paghamon sa kasalukuyang administrasyon kundi hudyat ito ng kanilang paglaban sa lahat ng patakaran ni Aquino na sa palagay nila ay hindi aayon sa interes ng kanilang sektor.

Inianunsyo nilang aaraw-arawin na nila ang protesta hanggang sa ika-100 araw ng Pangulo.

Ang Kasama-TK ay 95-araw nang nakakampuhan sa Kamaynilaan mula pa noong Hulyo 30.

Matapos ang protesta sa harapan ng DAR ang grupo ay tumulak sa paanan ng Mendiola upang gawin ang katulad na protesta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 9,047 other followers

%d bloggers like this: